Monday, February 25, 2008

“Permanent Deacon” sa Pilipinas (part 2)

“Permanent Deacon” sa Pilipinas (part 2)

Ano ang tungkulin na gagampanan ng Permanent Deacon sa Parokya?

May dalawang aspeto ang tungkulin ng permanent deacon na dapat niyang gampanan ito ay sa liturhikal na aspeto at sa sosyal na aspeto.

Sa liturhikal na aspeto nakapaloob dito ang pagiging katulong ng diakono sa selabrasyon ng mga sakramento tulad ng binyag, libing, pagbebendisyon at iba pang iniatas sa kanya ng obispo o ng kura paroko na nangangasiwa sa kanya. Maari rin siyang maging bahagi sa pagdiriwang ng misa at kasal kasama ng pari.

Ang diakono ay maaaring magbigay ng komunyon, taga-pahayag ng Mabuting balita at tagapayo sa simbahan. Dahil sa proseso ng formation ng mga diakono, naka-antang na sa kanila ang ibang trabaho ng pari.

Sa sosyal na aspeto naman ay nakapaloob dito ang “apostolate” at “charism” ng permanent deacon, ito ay ang paglilingkod at kawang-gawa. Madalas pinamumunuan ng mga diakono ang mga grupo sa simbahan na nagbibigay tulong at kabuhayan sa parokya. Sila ang nagiging galamay ng pari sa pagpaparating sa mga hinaing ng kanyang komunidad. Ang karisma ng pagkakawang-gawa ay buong pusong isasabuhay dapat ng mga permanent deacon.

Dapat din tandaan na sa sosyal na aspeto ay kabahagi ng permanent deacon ang suporta ng kanyang pamilya. Ilagay natin sa perspektiba na ang permanent deacon ay katulong ng mga pari at obispo, at ang kanyang pamilya naman ay katulong naman ng permanent deacon upang magamapanan niya ang kanyang tungkulin ng maayos. Hindi dahil ordinadong tao na ang mga permenentend diakono ay isasantabi na niya ang kanyang pamilya, bagkus, dapat ay katuwang at sandigan ng permanent deacon ang kanyang pamilya upang maging isang konkretong halimbawa sila ng pamilyang nagmamahalan.

No comments: